»

Daydreamer :')

I really don't think that anyone in this world knows the real me. My closest friends know me better than anyone else, but I don't think I’ve ever let certain sides of me come out around anyone except myself. I keep some feelings hidden because no one would understand, and even if they did understand, there wouldn't be anything that anyone could do to make the feelings disappear.

REGINE KRISTEL is my name. :)


I'm not perfect, I never tried to be. I've made mistakes. I've taken the easy way out. I've lied to my friends. I've hidden the truth so many times from so many people. I've hurt people, and I've even done it on purpose. I've left people behind. I've spread rumors. I've said things that I didn't mean. I'm no better than anyone, anywhere. I'm human. I have faults, and I'm not afraid to admit that. I want to change, but I won't. Because that's what we do. That's what we've always done. We list our faults like a grocery list, and we move on, expecting everything to somehow change itself. It never will. I will never change. I will never be perfect. I will always make mistakes. I'll, more often than not, take the easy way out. I will lie, hide the truth, hurt people, leave people behind, spread rumors, and say things I don't mean for the rest of my life. GUSTO KO LANG MAGING NORMAL. HAHAHA!

Home Archive RSS Ask

Sabi sayo eh.

Bakit napaka sinungaling mo?? :l

We have the right love at the wrong time...

misskatrinarose:

Bakit nga ba ‘di natin maiwasang mahalin ang pag-aari ng iba? Na kahit anong iwas mo hindi mo mapigilan. Pikit mata mo na lng tinatanggap ang katotohanan makasama mo lang siya kahit sa konting sandali? May pag-ibig na dumarating sa maling pagkakataon. Gustuhin mo man makasama, hindi naman pwede. Minsan iniisip mo na sana siya ang kasama mo. Kasama mong bumuo ng mga pangarap at kasama mo hanggang sa pagtanda. Sabi nga nila hindi lahat ng nagsasama ay nagmamahalan at hindi lahat ng nagmamahalan ay magkasama.

Mapaglaro ang tadhana minsan akala mo nakita mo na ang taong gusto mong makasama sa habangbuhay. Pero sa isang iglap may isang taong gugulo ng mundo mo at hindi mo inaasahan babago ng pananaw mo. Maraming bagay ang ‘di mo maipaliwanag at hindi mo maintindihan. Ano nga ba ang dapat at hindi? Ano nga ba ang tama at mali? Kahit gaano ka katalino sa buhay, pagdating sa larangan ng pag-ibig mabobo at mabobo ka din. Dahil sa pag-ibig ‘di naman utak ang ginagamit… kundi puso. Kaya ‘di mo mapigilan at mapipili kung kanino ka magmamahal. Mahirap itama ang mga pagkakamali lalo na kapag nagdudulot ito ng ligaya sayo. Pero kung iisipin mo mas masarap tahakin ang tamang landas. ‘Yun bang wala kang nasisirang buhay.

Walang sinuman ang maaring manghusga sa taong nagmamahal ng mali dahil lahat tayo ay may pagkakamaling nagawa. Ang mahalaga alam mo kung paano ka babangon at itatama ang pagkakamaling iyong nagawa. Minsan kailangan gawin ang tama kahit labag sa iyong kalooban. Ang pag-ibig naman kasi hindi ‘yan makasarili. Hindi lang kaligayahan mo ang dapat mo sundin. Dapat isipin ang taong nasa paligid mo at ang tama. Sa pag-ibig hindi puro puso lang ang ginagamit. Hindi puro pansariling kaligayahan lang ang inaalala. Dapat minsan gamitin ang isip mo at isipin mo din ang kapakanan ng nakakarami. Hindi ang sarili lang. Ang pag-ibig hindi laging pinaglalaban. Dapat alam mo kung kailan ka susuko at kung kailan mo dapat ipaglaban. Baka kailangan mo lang tanggpin sa sarili mo na… YOU HAVE A RIGHT LOVE AT THE WRONG TIME! Lahat naman pwede pero hindi lahat dapat.